TipsClick this link

Crime Tips

Pag-iingat sa Kalsada

1. Ang mga bata at estudyante ay hindi dapat magsuot ng mga mamahaling alahas o magdala ng maraming pera. Ang mga ito ang tumatawag sa pansin ng mga kriminal.

2. Kapag inabot ng gabi sa daan, huwag maglakad sa mga lugar na madilim o hindi naiilawan.

3. Iwasan ang mga masisikip na daan o shortcut. Madalas, ang mga ito ay hindi matao at siyang pinaglalagian ng mga masasamang elemento.

4. Mag-ingat sa mga taong hindi kilala. Laging  dumistansya at kung maaari, huwag makipag-usap sa kanila. 

5. Kabisaduhin ang paligid ng mga lugar na malimit mong dinadaanan, ng sa ganoon ay alam mo ang pupuntahan kung may panganib. 

6. Huwag basta tumanggap ng anumang pagmamagandang-loob ng mga taong hindi mo kilala lalung-lalo na kapag kayo ay pinasakay sa kanilang sasakyan. 

7. Kung maaari, huwag magIakad ng nag-iisa.

 8. Kapag may dalang sasakyan. slguraduhin naka-lock ang mga pinto't bintana upang maka-iwas sa mga “salisi gang”.

 

Pag-iingat sa Loob ng pampublikong Sasakyan

     PAGIINGAT SA LOOB NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN

     1.   Bago sumakay sa pampasaherong taxi o jeepney, maaari lamang na isulat o isaulo ang body number lamang at plate number nito at i-text ang mga ito sa mga magulang o kasambahay. At i-text din ang linya ng jeepney kung nakasakay na dito o kung nasa taxi ka naman, ang pangalan nito.

     2.  At kung nakasakay na sa taxi, ipa-rinig sa driver nito, sa pamamagitan ngcellfone, na ipinagbigay alam mo sa mga magulang mo okasambahay ang mga detalyeng nabanggit sa unang talata (no. 1). Isama rin ang pangalan ng driver. Ito'y maaaring makita sa naka-display na ID. lpagbigay alam din kung saan ka sumakay ng taxi / jeepney at kung saan ka papunta.

    3.  Kung ang bus, jeepney, pampasaherong tren na sinasakayan ay punung-puno, huwag magtiwala sa iyong katabi o sa taong nasa likod. Ingatan ang iyong pitaka o anumang mahalagang gamit. Alerto ang mga masasamang-Ioob kapag panahon ng enrolment o balik-eskwela.

      4.  Huwag ilabas sa bintana ng sasakyan ang iyong kamay lalo na kung may suot na alahas. Ito ang hinihintay ng snatcher. maliban sa ito ay delikado.

      5.  Kung may nangyayaring hold-up sa loob ng sasakyan, huwag lumaban sa armadong kalaban o kriminal. Sundin ang kanyang gusto para hindi ka masaktan. Huwag subukang tumalon.

      6. Bago sumakay sa jeepney, o ibang pampublikong  sasakyan, maging makilatis. Ang mga kriminal ay hindi nakikipagtinginan sa kanilang bibiktimahin. Kung may duda sa ibang pasahero. Huwag piliting sumakay o kung nakasakay na, gumawa ng paraang makababa agad.

 

Tips Para sa mga kababaihan

1. Kung kailangang sumakay sa Jeepney, mas makabubuti na huwag sumabay kung lahat ng mga pasahero ay  lalaki.

2. Sa mga estudyante, hangga’t maaari, pumili ng pang-umagang subjects. Kung ito ay hindi posible tiyaking laging may kasamang kilala sa pag-uwi sa gabi.  

3. Ang madalas na pangho-holdap at iba pang krimen ay nangyayari sa madidilim na parte ng daan. Umiwas sa mga ganitong lugar.

4. Huwag basta tumanggap ng offer na pagsakay sa mga taong hindi mo kilala. Ito ang madalas na pagkakamali ng mga biktima ng pang-gagahasa.

5. Huwag tumanggap ng anumang bagay mula sa mga di-kilala. Kahit na kendi, inumin o pagkain. Hindi nakakasiguro kung ang mga ito ay may mga bawal na gamot o may sangkap na nakakahilo o nakakabigay ng karamdaman.

6. Kung laging naglalakbay na mag-isa, mas mabuting magdala na rin ng gumaganang tear gas canister.

7. Magsisigaw at humingi ng tulong kapag nasa panganib

 

Paalala sa Mga Magulang at Estudyante

           1.     Ang mga magulang ay dapat laging makipag-ugnayan sa mga titser o guwardya ng eskwelahan. Dapat ipaalam sa kanila kung sino ang tagasundo ng iyong mga anak.

           2.     Kung ang mga bata o estudyante ay hindi sumasakay sa school bus, mas mabuting kumuha ng suki mong nagmamaneho sa paghahatid-sundo sa eskwelahan ng inyong anak. Kung hindi tiyaking isulat o isaulo ang numero ng kanyang sinasakyan. Tandaan ding mabuti ang mukha ng drayber.

           3.     Palaging ipagbigay-alam ng mga estudyante o mag-aaral sa kani-kanilang magulang kung may ibang pupuntahan maliban sa eskwela at kung sino-sino ang mga kasama, pati na ang paraan kung paano sila makokontak.

          4.     Hangga’t  maaari at kung kaya ng bulsa ng mga magulang, bigyan ang mga anak na estudyante ng pang-depensa sa sarili.

           5.     Payuhan ang mga anak na manatili sa loob ng eskwelahan kung wala pa ang kanilang sundo at huwag makikipag-usap sa mga taong hindi nila kilala.

           6.   Payuhan din ang mga anak na maging alerto sa mga nanggigitgit na mga motorsiklo o kotse habang sila'y naglalakad sa daan para iwas-hablot. Kung maaari, lumakad sa daanang pantao o sidewalk na salungat sa trapiko.

 

Mga dapat gawin kung may bomb threats at Ibang pang uri ng terorismo

 

 1. Kung may makitang kahinahinalang bagay, huwag itong hawakan o galawin. Umiwas sa nasabing bagay (huwag lalapit sa loob ng 300 ft).

 2. Ipagbigay alam kaagad sa awtoridad ang mga kaso ng bomb threats at incidents sa pamamagitan ng pagtawag sa 117 o iba pang kinauukulang contact numbers

 3. Huwag ipakalat ang mga hindi pa napapatunayang balita na natanggap sa text message. Burahin at huwag i-forward.

 4. Manatiling kalmado. Ipagpatuloy ang pangaraw-araw na gawain.

 5. Magkaroon ng karampatan na pag-iingat sa sa trabaho, paaralan, at tahanan.

 
  •  Start 
  •  Prev 
  •  Next 
  •  End 

Page 1 of 3

Website Links

                       

Free business joomla templates